HULI | MILF member at isa niyang kasamahan, timbog sa drug buy bust operation ng QCPD sa Barangay Old Balara QC

Manila, Philippines – Arestado ang isang dating miyembro ng MILF at isa niyang kasamahan sa ikinasang drug buy bust operation ng QCPD sa Barangay Old Balara QC.

Kinilala ni QCPD director Joselito Esquivel ang naaresto na sina Ibrahim Usman alyas Ebs at isang Kasie Manap, 28.

Matapos isailalim sa surveillance ang mga suspects dahil sa pagpapalaganap ng shabu sa Barangay Culiat At Old Balara, dito na umaksyon ang mga operatiba ng Station Anti Drug Unit ng Police Station 6.


Ikinasa ang isang buy bust operation malapit sa isang convinience store sa Luzon Avenue na nagresulta sa pagkadakip ng dalawa.

Lumilitaw na si Usman ay una nang nakatakas noong August 2016 matapos makuwelyuhan ng PDEA sa ARMM sa Cotabato City kung saan nasamsam sa kaniya ang walong sachet ng shabu, mga baril at bala

Facebook Comments