HULI | Miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pagpatay sa tatlong sibilyan, naaresto

43

Manila, Philippines – Isa pang miyembro ng Abu Sayyar Group ang naaresto ng militar sa Barangay Langpas Indanan Sulu kahapon ng umaga.

Kinilala ito na si Norham Bagadi ang pinsan ng sub-leader na si Aldij Bagadi alyas Sayning.

Sangkot si Bagadi sa panggugulo sa Brgy Langpas noong December 5 na ikinasawi ng tatlong mga inosenteng sibilyan at pagkasugat ng iba pa.

Ayon kay AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigader General Cirilito Sobejana alas-9:15 ng umaga kahapon ng maaresto ang bandido ng mga nag-ooperate na miyembro ng 6th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.

Aniya naaresto rin ito dahil sa tulong ng miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF sa lugar.

Nakuha sa terorista ang isang kalibre 45 baril o (Remington 1911), magazines, rounds of ammo at blasting caps.

Sumasailalim na sa custodial debriefing ang bandido.

Facebook Comments