HULI | Miyembro ng NPA at Most Wanted sa Region 3, naaresto ng PNP at Militar sa Bataan

30

Bataan – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Pulisya at militar ang most wanted person sa Region 3.

Kinilala itong si Juanito Carabeo alyas Toktok 62 anyos residente ng Sitio Sun Shine, Barangay San Juan, Samal, Bataan.

Si Carabeo ay active member ng CPP/NPA at Assistant Secretary, ng Regional Medical Staff Central Luzon Regional Committee (CLRC) at most wanted persons sa Region 3.

Ayon kay PNP Region 3, Regional Director Police Chief Aupt Amador Corpuz alas -4:30 ng hapon kahapon nang isagawa ng pulisya at militar ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek sa Samal, Bataan.

Si Carabeo ay may kinakaharap na mga kasong Murder arson at rebellion.

Sa ngayon nasa kustodiya na ito ng Samal Municipal Police Station.

Facebook Comments