HULI | P1.3-M halaga ng shabu, kumpiskado sa Pampanga

28

Pampanga – Kalaboso ang apat katao matapos mahuling nagbebenta ng shabu sa labas ng isang malaking mall sa San Fernando City, Pampanga.

Nakilala ang mga suspek na sina Abdillah Omar, Mariam Baltao, Amenoding Amer at ang isang hindi na pinangalanang menor de edad.

Umaabot sa mahigit 200 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang sachet na nagkakahalaga ng P1.3-million at marked money ang nakumpiska ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation.

Inaalam naman na ng mga pulis kung saan kumukuha ng suplay ng droga ang mga naturang suspek.

Facebook Comments