HULI SA AKTO | 14, arestado dahil sa paggamit ng shabu

Laguna – Arestado ang labing apat na katao matapos maaktuhang gumagamit ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Barangay Santa Monica, San Pablo City, Laguna.

Ikinasa ng mga otoridad ang operasyon matapos silang makatanggap ng sumbong sa pamamagitan ng text message tungkol sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa lugar.

Unang naaresto ang target ng operasyon na si Ronron Ibe alyas “Tabaron” at tatlo niyang kasamahan.


Nadakip din sa kaparehong barangay ang sampung iba pa na naaktuhang gumagamit ng shabu.

Nakuha sa kanila ang 12 sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at baril ni Tabaron.

Facebook Comments