HULI SA AKTO | 3, arestado sa iligal na pagsusugal sa Sta. Cruz, Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong katao matapos maaktuhang nagsusugal at mahulihan pa ng droga sa Fogoso Street, Barangay 335, Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina jefferson Dela Cruz, Fernando Montaniel at Jeffrey Lumanog.

Nagsasagawa ng police visibility at anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Alvarez PCP ng Manila Police District (MPD) sa lugar nang makita ang tatlo na nagsusugal.


Nang kapkapan, nahulihan ang mga ito ng tatlong sachet ng shabu, maliban sa mga barya at pera na gamit sa pagsusugal.

Facebook Comments