HULI SA AKTO | 3 kabataan, huli sa pot session sa loob ng sementeryo sa Caloocan

35

Caloocan City – Arestado ang tatlong kabataan kabilang ang dalawang menor-de edad matapos mahuling nagpa-pot-session sa loob ng sementeryo sa Caloocan City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Red Reyes, 18-anyos habang hindi na muna pinangalanan ang dalawang kasama nito na kapwa 16-anyos.

Sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang pulisya hinggil sa umaalingasaw na amoy ng marijuana sa isang bahagi ng laloma cemetery sa 2nd Avenue BMBA Compound.

Agad nagtungo sa lugar ang mga pulis at dito na nakita ang tatlo na humihithit ng marijuana sa isang bakanteng nitso.

Nakuha sa mga suspek ang isang bukas ng plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments