HULI SA AKTO | 5, arestado sa buy-bust operation sa Tarlac City

31

Tarlac City – Hindi na nakapalag pa ang limang katao matapos isagawa ang drug buy-bust operation sa Barangay San Miguel, Tarlac City.

Sa ulat, ikakasa lang sana ng drug enforcement unit ang operasyon laban sa pusher na si Bryan Seng-Seng, nang maaktuhan ang apat na iba pang katao na mga customer din nito.

Nakilala ang apat na sina Jimuel Abrasaldo, Arnie Salas, Melvin Marcelo na nasa listahan ng drug personality at Rolando Guinto.

Nakuha sa kanila ang anim na plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments