HULI SA AKTO | 7, huli matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Taguig

Taguig City – Arestado ang pitong katao matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig.

Kinilala ang mga suspek na sina Jordan Karim, Razul mama, Saharani Gutierrez, Zainuden Pendatun, Zaldy Docor, Mary Salusa at Abdul Jabbar Angas.

Nakuha sa kanila ang 14 na sachet ng shabu na may bigat na 13 gramo at mga drug paraphernalia.


Nakakulong na ang pito sa Taguig City detention cell habang inihahanda ang pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments