HULI SA AKTO | Isang municipal councilor, arestado sa iligal na sugal

133

Bungallon, Pangasinan – Arestado ang isang municipal councilor matapos itong masangkot sa iligal na sugal sa Bungallon, Pangasinan.

Nakilala ang naarestong suspek na si Marlon Cuison, 49-anyos, residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sinasabing huli sa akto ang konsehal habang naglalaro ng bahara kung saan ginamit pa nito ang kaniyang posisyon sa pulitika pero dinakip pa rin siya ng mga pulis.

Nakapagpiyansa naman ang konsehal ng aabot sa P40,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments