HULI SA AKTO | Pulis sa Davao arestado sa buy-bust

68

Arestado ang isang pulis na sakop sa Police Regional Office o PRO XI sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Davao City bandang alas 11 ng umaga kahapon.

Ayon kay Police Chief Superintendent Marcelo Morales, PRO XI regional director na kinukunsidera nilang high-value target (HVT) ang naarestong si PO1 Querubin Cris John Coyno Ferido, 30-anyos, PNP trainee batch 2017.

Base sa report sa Talomo PNP na nahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu ang pulis sa poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation.

Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at posibleng matatanggal rin sa serbisyo.

Facebook Comments