HULI | Tatlo, arestado sa limang milyong halaga ng shabu sa Pasay City

Manila, Philippines – Hindi na nakaporma ang tatlong lalaking tulan ng iligal na droga matapos silang maaresto sa buy bust operation sa Mall of Asia sa Pasay City.

Nakuha sa mga suspek na sina Malina Nano, Aladin Amiril Salilagia at Abner Nano ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto ang tatlong suspek sa MOA south open parking kagabi.


Isang PDEA agent ang nagpanggap na bibili ng shabu sa tatlo kung saan nabulaga na lamang ang mga suspek nang arestuhin ng mga otoridad.

Facebook Comments