HULI | Top 3 most wanted person sa Las Piñas, nasakote na ng mga otoridad

23

Las Piñas City – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang top 3 most wanted person sa lungsod ng Las Piñas.

Kinilala ang naaresto na si Anthony Florita, 35-anyos at residente ng Katipunan Street Barangay CAA.

Nahuli si Florita sa bisa ng order of arrest na ipinalabas ni Undersecretary Reynante Orceo, acting chairman ng board of pardon and parole.

Nabatid na si Florita ay nahatulan sa kasong frustrated murder kung saan pinatawan ito ng apat hanggang walong taong pagkakakulong at higit 60,000 na danyos sa biktima.

Facebook Comments