HULICAM: Panununtok ng isang lalaki sa 71-anyos na ginang

Screenshot of the actual video/ NYPD 71st Precinct

Isang lalaki ang patuloy na pinaghahanap ngayon ng pulisya matapos nito umanong suntukin ang isang 71-anyos na ginang sa Brooklyn, New York, bandang alas 5:30 ng hapon.

Nakuhaan ang pangyayari sa CCTV footage sa kahabaan ng Prospect-Lefferts Gardens, hindi kalayuan sa istasyon ng pulis.

Sa ibinahaging video ng NYPD 71st precint sa kanilang twitter account, makikita ang paglalakad ng dalawa sa magkabilang direksyon nang biglang lumapit ang isang 27-anyos na lalaki sa ginang at bigla itong sinuntok.


Bumagsak ang ginang at nawalan ng malay habang tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang lalaki.

Batay sa report, tumayo pa ang biktima at naglakad patungo sa isang tindahan at dito ay sinasabi niya sa tindera na wala siyang maalala sa mga nangyari bukod sa pagkakatumba nito.

Ayon pa sa pulisya, naidala sa ospital ang ginang at basag umano ang kanyang panga at sugat ang kanyang labi at kinakailangan itong tahiin.

Kasalukuyan namang nakabalot ba ng bandages ang mukha ng ginang, dahilan para hindi ito makapagsalita ng maayos.

Facebook Comments