Huling presidential debate bago ang US Presidential Elections, tinawag na “unfair” ni US President Donald Trump

66
COURTESY: MPR NEWS

Tinawag ni US President Donald Trump na “unfair” ang susunod na moderator ng presidential debate nito laban kay Democratic nominee Joe Biden sa Biyernes, oras sa Pilipinas.

Gaganapin kasi ang huling debate sa Nashville, Tennessee kung saan magiging moderator dito ay si NBC White House Correspondent Kristen Welker.

Ayon kay Trump, matagal na niyang kilala si Welker at siya ay unfair.

Ilan sa mga pag-uusapan ay ang COVID-19, American families, race in America, climate change, national security at leadership.

Sa ngayon ay may natitirang 16 na araw na lang bago ang halalan sa Amerika kaya kaniya-kaniyang panunuyo na ang ginagawa nina Trump at Biden.

Facebook Comments