Huling SONA ni Pangulong Duterte, komprehensibo at naglalaman ng mga repormang nagawa ng administrasyon

Komprehensibo para kay Senator Sonny Angara ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nailatag ang lahat ng repormang nalikha sa ilalim administrasyon na nakatugon sa pang-araw-araw na problema ng bawat Pilipino.

Ayon kay Angara, bagamat mabigat ang tama nsa bansa ng COVID-19 pandemic ay nailagay naman ang pundasyon para sa mas magandang buhay ng mga Pilipino.

Tinukoy ni Angara ang libreng tuition sa mag-aaral sa kolehiyo; libreng pagamot sa mahihirap; libreng irigasyon para sa magsasaka at kanayunan gayundin ang kaayusan at kapayapaan lalo na sa Mindanao.


Binanggit din ni Angara ang mga tulong sa pangkaraniwang serbisyo o routine government functions tulad ng pinahabang bisa ng passport at lisensya na sinabayan ng pagpapa-iksi sa pag aapply ng mga permit.

Diin pa ni Angara, bagamat madami ang naghihirap pa din dahil sa pandemya ay makakatulong ang repormang pangkalusugan sa pagpapabilis ng ating pagbangon.

Facebook Comments