HUMANDUSAY | Isang lalaki, pinagbabaril patay sa Taguig

68

Taguig City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa
nakikilalang salarin sa DBP Ave. FTI, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng kulay puti na
sando, pulang shorts at puting sapatos.

Nakitang nakahandusay ang biktima na may mga tama ng bala sa iba’t ibang
parte ng kanyang katawan.

Ayon sa isang Security Guard, pasado alas-sais ng umaga kanina nang
ipagbigay-alam sa kanila ng isang Tricycle driver ang natagpuang bangkay sa
lugar.

May mga kagawad na ng Taguig Police Station na nasa lugar para siyasatin
ang pinangyarihan ng krimen.

Inaalam na ng mga awtoridad kung mayroong CCTV sa lugar at ang motibo sa
pamamaslang gayundin ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Facebook Comments