Humanitarian pause sa Marawi City, generally peaceful – OPPAP

137

Manila, Philippines – Itinuturing ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) na mapayapa o ‘generally peaceful’ ang ipinatupad na humanitarian pause kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng ramadan.

Ayon kay OPPAP Assistant Sec. Dickson Hermoso, na-rescue sa loob ng Marawi City ang ilang sibilyan kabilang ang ilang senior citizen.
Sa huling tala, nasa 27 sibilyan ang pinatay ng mga terorista mula nang sumiklab ang gulo sa Marawi habang nasa higit 1,700 sibilyan ang nailigtas.

Facebook Comments