Humigit kumulang ₱1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa apat na personalidad sa Pasig City

19

Umaabot sa ₱931,600 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska mula sa apat na mga personalidad ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Carl Jay Buenaventura, Rose Corpuz, Racquel Vasquez at Thomas Christian Jimenez, kapwa residente ng Santos Compound, Barangay Rosario, Pasig City.


Ayon kay Eastern Police District (EPD) District Director Brig. Gen Matthew Baccay, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng EPD na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan nakumpiska sa kanila ang sangkaterbang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 137 gramo.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments