HUMIRIT | OSG, humiling sa Korte Suprema na palawigin ang deadline sa pagpapasa ng mga dokumento kaugnay ng war on drugs

7

Manila, Philippines – Humiling ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema para bigyan ang Philippine National Police (PNP) ng dalawang buwang extension para kumpletong maipasa ang mga dokumento na may kaugnayan sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, partially complied pa lamang sila kung saan halos 30 case folder ng war-related deaths and injuries at iba pang files pa lang ang kanilang naisusumite.

Humihiling sila sa kataas-taasang hukuman na mabigyan sila ng 60 days extension mula April 26, 2018 hanggang June 25, 2018 dahil patuloy pa ang collection at validation ng mga dokumento.

Nag-ugat ang kautusan ng high tribunal sa dalawang petisyon na kumukwestyon sa constitutionality ng war on drugs.

Facebook Comments