HUMIRIT | P10 minimum fare, inihihirit na ng mga operator at driver ng PUJ

48

Manila, Philippines – Muling humirit ang mga jeepney operator at driver na itaas sa sampung piso ang minimum fare.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, halos wala ng kinikita ang mga jeepney operator at driver dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga bilihin.

Kasabay nito, magsasagawa ng kilos protesta ang grupong Piston sa tanggapan ng Pilipinas Shell sa Makati City.

Giit ni Piston President George San Mateo, ito ay para iparamdam nila ang galit ng mga operator at mga driver dahil sa walang humpay sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo partikular na ang diesel.

Facebook Comments