HUMIRIT | PNP, humiling ng deadline extension sa Korte Suprema sa pagsusumite ng mga dokumento ukol sa war on drugs

Manila, Philippines – Muli humiling ang Philippine National Police (PNP) sa Supreme Court ng karagdagang panahon para makapagsumite ng lahat ng dokumentong kaugnay ng war on drugs.

Ayon kay outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa, nilagdaan niya ang sulat sa office of the solicitor general na humihiling ng extension sa 15-day deadline na ibinigay ng kataas-taasang hukuman.

Hindi pa aniya handa ang mga dokumento kaya nais nilang ipalawig ng Korte Suprema ang deadline.


Nabatid na nag-ugat ang kaso mula sa mga petisyong inihain sa SC na kumukuwestyon sa legalidad ng anti-illegal drugs operation ng Duterte Administration na nagresulta ng kamatayan ng nasa 4,000 suspected drug personalities.

Facebook Comments