HUMIRIT | Sister Fox, humiling ng renewal ng kanyang visa

Manila, Philippines – Humiling ang Australian missionary na si sister Patricia Fox na i-renew ang kanyang visa.

Nagsumite ang kampo ni Fox sa Bureau of Immigration (BI) ng petition for renewal ng kanyang visa na nakatakdang mag-expire sa Setyembre a-singko.

Umaasa si Fox na ang central receiving unit ng immigration ay tatanggapin ang kanyang petisyon kahit mayroong nakabinbing deportation order laban sa kanya.


Hindi pa final and executory ang deportation order lalo at may Motion for Reconsideration (MR) na inihain hinggil dito.

Giit ng kampo ni Fox, mahalagang ma-renew ang kanyang visa para maipagpatuloy niya ang kanyang missionary work sa mga naaapi.

Base sa July 19 ruling ng BI, inatasan ang 72-anyos na madre na umalis ng bansa.

Inilagay din si Fox sa blacklist ng mga undesirable aliens.

Pero umapela ang kampo ni Fox hinggil dito.

Facebook Comments