HUNDRED ISLANDS FILM FESTIVAL 2023, PORMAL NANG BINUKSAN SA SIYUDAD NG ALAMINOS

Para sa lahat ng mga Idols nating kinahiligan ang paggawa ng short film clips, panonood ng mga indie at lokal films, mukhang magugustuhan mo ang balitang ito dahil pormal na ngang binuksan ang Hundred Islands Film Festival nito lamang May 23 at magpapatuloy pa ito hanggang June 1 ngayong taon.
Ginanap ito sa Alaminos City National High school kasama ang Layag Film Production na pinangungunahan ni Direk Raquel Rivera, ang direktor sa nasabing aktibidad.
Ang mga participants sa film fest na ito ay mga taga Alaminos rin. Mayroon ding mga ibang films na naimbitahan galing sa ibang lugar para sa film exhibition.

Samantala, suportado naman ng lokal na pamahalaan ng syudad ang nasabing aktibidad kaya’t suportahan din natin ang mga talentadong filmmaker sa ating probinsya. |ifmnews
Facebook Comments