HUSTISYA | Grab umaasang mabibigyang hustisya ang pagpatay sa isa nilang driver partner

37

Manila, Philippines – Mariing kinukondena ng Grab Philippines ang nangyaring pagpatay sa isa nilang ka-Grab driver-partner.

July 31 nang matagpuang wala ng buhay si Ananias Antigua sa loob ng kanyang minamanehong Grab vehicle.

Sa inisyal na impormasyon ng Parañaque Police nagtamo ng multiple gunshot wounds ang biktima na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon hindi pa tukoy ng mga otoridad kung sino ang salarin at ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

Kasunod nito sinabi ni Brian Cu, Grab Philippines country head na tuloy ang kanilang koordinasyon sa mga otoridad at ibinigay na sa mga ito ang ilang impormasyon ni Antigua upang makatulong sa case build up.

Nangako din ng tulong ang Grab sa naulilang pamilya ng biktima.

Facebook Comments