HUSTISYA | PNP-CIDG, handang gamitin ang subpoena powers laban kina Peter Lim at iba pang drug personalities

28

Manila, Philippines – Handa ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na gamitin ang kanilang subpoena power para makahanap ng dagdag na mga ebidensya laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal. Ayon kay PNP–CIDG Chief Police Director Roel Obusan, kailangan nilang gamitin ang subpoena power para manaig ang hustisya lalo na sa mga high profile cases. Tiniyak rin ni Obusan na hindi sila magdadalawa isip na kasuhan ang mga state prosecutors na nagbasura sa kaso nina Kerwin, Co at Lim kapag may ebidensya na naimpluwensyahan ang mga ito ng drug money. www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments