HUWAG BUMILI? | US Intelligence Agencies, nagbabala sa paggamit ng Chinese smartphones

263

World – Nagbabala ang US intelligence agencies sa kanilang mga kababayan na huwag bumili ng mga smartphones na gawa sa China partikular ang Huawei o ZTE.

Paliwanag ng mga opisyal mula Central Intelligence Agency (CIA), National Security Agency (NSA), Federal Bureau of Investigation (FBI) at defense intelligence agency may banta sa seguridad ang mga American Customers sa paggamit ng mga nasabing Chinese smartphones.

Nirekomenda naman ni Republican Senator Tom Cotton na gumamit na lamang ng mga produkto at serbisyo na gawa ng Apple, ang manufacturer ng iPhone.

Facebook Comments