Hygiene at sleeping kits, mas kailangan ng maraming evacuees – DSWD

30

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mag-donate ng hygiene at sleeping kits sa mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Anton Hernandez – dagsa pa rin ang food donations na natatanggap ng evacuation centers lalo na sa Batangas.


Sinabi ni Hernandez – may sapat na pondo ang gobyerno para sa pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong residente, kaya hiling nila sa mga donor na magbigay na lang ng hygiene at sleeping kits sa mga bakwit.

Hindi rin nila inirerekomenda ang pag-donate ng lutong pagkain dahil sa posibleng mapanis lamang ito.

Maliban dito, kulang din ang sanitation facilities tulad ng banyo.

Facebook Comments