I-ACT, muling nagsagawa ng operasyon laban sa mga pampublikong sasakyan na hindi sumusunod sa COVID-19 heath protocols

277

Muling nagsagawa ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ng operasyon laban sa mga pambulikong sasakyan na lumalabag sa health protocols laban sa COVID-19 na ipinatutupad ng pamahalaan.

Kaninang umaga ay pumwesto ang mga tauhan ng I-ACT sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City.


Inisa-isa nila ang mga dumadaang bus upang matiyak na sinusunod and 50 percent seating capacity at physical distancing sa mga pasahero at pagsusuot ang mga ito ng face mask at face shield.

Maliban sa mga bus, pinapara rin nila ang mga taxi at UV express.

Ayon sa pumunuan ng I-ACT, ginawa ang nasabing operasyon bilang tugon sa mga reklamo kaugnay sa mga pampublikong sasakyan.

Hindi naman sila ng isyu ng violation ticket sa mga lumabag na driver at konduktor ng mga bus bagkus sila ay bingyan lamang ng warning at paalala na striktong ipatupad ang safety at health protocols laban sa COVID-19 upang matiyak na hindi na kakalat pa ang naturang sakit.



Facebook Comments