I HEART YOU VALENTINES SPECIAL PROMO NG IFM DAGUPAN, NAGHATID NG KILIG SA ARAW NG MGA PUSO

Naghatid ng kilig at saya ang iFM Dagupan sa Araw ng mga Puso sa mga masugid na tagapakinig nito sa pamamagitan ng “I Heart You Valentine’s Special Promo.

Ngayong taon, mas espesyal ang selebrasyon dahil personal na inihatid ang mga regalo para sa mga nagwagi—mapa-single man o nasa isang relasyon—upang maihandog nila sa kanilang minamahal.

Punong-puno ng emosyon ang bawat sandali ng pag-abot ng Valentine’s gift tulad ng bulaklak, cake, iFM T-shirt, pampering at dine-in gift certificates. Ilan din sa napili ay nagtungo mismo sa istasyon upang personal na matanggap ang kanilang regalo.

Lubos ang pasasalamat ng iFM Dagupan sa lahat ng lumahok at nagbahagi ng kanilang kwento ng pagmamahal.

Naging posible ang mapusong pagdiriwang ng Valentine’s Day ng mga Idol listeners dahil sa suporta ng RMN Networks, J Café, Highland Flower Shop Dagupan, GL Aesthetic Works and Spa, at Mils Printing Services. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments