IAS ng PNP, iimbestigahan ang pagkamatay ng 3-anyos na bata sa Rodriguez buy-bust

30

Ipinag-utos na ng Philippine National Police (PNP) sa Internal Affairs Service (IAS) nito na imbestigahan ang pagkamatay ng tatlong taong gulang na bata sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal noong June 30.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – inatasan na niya ang IAS na manguna sa imbestigasyon para mapabilis ang pagresolba sa kaso.


Maliban dito, wala pang resulta ang isinusumite kaugnay sa ballistic examination sa mga baril ng 20 Rodriguez police na sangkot sa operasyon.

Matatandaang nasawi sa operasyon ang batang si Myca Ulpina, anak ng drug suspek na si Renato na napatay din sa operasyon.

Maliban sa dalawa, nasawi rin ang isa pang suspek at ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Samantala, naghain ng resolusyon sa Kamara ang Makabayan bloc para imbestigahan ang pagkamatay ng bata.

Facebook Comments

From Advertisers