IATF, binigyan ng go signal ang pagsasagawa ng mock elections ng Comelec

41

Sumang-ayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa hirit ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng mock elections kasunod nang nalalapit na pagdaraos ng eleksyon 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, layon nitong magkaroon ng safe and effective 2022 local and national elections.

Nakatakdang idaos ang nationwide mock election exercises sa darating na December 29, 2021.


Sa nasabing mock elections magkakaroon ng end-to-end demonstration ng buong election process, ito’y upang masubok kung gaano ka-accurate at ka-secure ang ating voting process lalo na ngayong humaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments