IATF, inaprubahan na ang pagsasagawa ng licensure exams sa July hanggang September

73

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng Professional Regulation Commission (PRC) na makapagsagawa ng professional licensure examinations sa Hulyo hanggang Setyembre 2021.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan lamang tiyakin ng PRC na masusunod ang health at safety protocols na inilatag ng pamahalaan kontra COVID-19.


Batay sa PRC, sa Hulyo ay nakatakda ang professional licensure examinations sa nurses, landscape architects, mining engineers, master plumbers, real estate brokers at environmental planners.

Habang sa Agosto ang pagsusulit ng mga psychologists, psychometricians, veterinarians, mechanical engineers, certified plant mechanics, guidance counselors, medical technologists, at social workers.

Sa halip naman na sa Agosto, inilipat sa Oktubre ang pagsusulit ng nutritionists-dietitians at foresters.

Nakatakda naman sa Setyembre ang pagsusulit ng mga sanitary engineers, registered electrical engineers, registered master electricians, librarians, physicians, qualifying assessment for foreign medical professionals, respiratory therapists, real estate appraisers, professional teachers, agricultural biosystems engineers.



Facebook Comments