IATF ipinauubaya na sa mga LGUs ang pagbuo ng panuntunan hinggil sa pagpayag sa mga bata na lumabas at mamasyal sa mall

267

Bahala na ang Metro Manila Council (MMC) maging ang mga Local Government Units (LGUs) na bumalangkas ng guidelines hinggil sa pagbibigay pahintulot na muling makalabas at makapamasyal ang mga menor de edad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa bubuuing panuntunan titiyaking masusunod ang mga health safety protocols upang mapangalagaan at maprotektaham ang mga bata habang sila ay nasa mall.

Titiyakin din na ang bawat bata na papasok sa mall ay kasama ang kanilang mga magulang o kanilang guardian.


Kasunod nito sinabi ng kalihim na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya kung kaya’t kinakailangan nang unti-unting ibalik ang mga negosyo para makapaghanapbuhay habang hinihintay ang pagdating ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments