IATF, pinayagan ang mas pinaiksing quarantine period ng mga fully vaxx na health worker

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pinaikling isolation at quarantine period para sa mga fully vaccinated health worker na nahawaan o nalantad sa COVID-19.

Kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagreresulta sa kakulangan ng hospital staff.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, ang mga fully vaccinated healthcare worker na nahawaan ng COVID-19 pero asymptomatic at mild o moderate case lamang ay dapat mag-isolate ng limang araw mula sa dating 10 araw.


Habang ang mga fully vaccinated health workers na na-expose lamang ay hindi na kailangang mag-quarantine.

Facebook Comments