IATF, wala pang desisyon hinggil sa paghihigpit sa mass gatherings

Pag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung hihigpitan ang pagbabawal sa mga malalaking pagtitipon sa harap ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring paigtingin ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang restrictions para mapigilan ang transmission sa kanilang nasasakupan, kabilang na rito ang pagpapatupad ng curfew at liquor bans.

Nilinaw ni Roque na ang IATF ay nagbibigay lamang ng policy directions sa pagtugon sa pandemya.


Muling iginiit ni Roque na “bayanihan” ang national government at LGUs sa pagprotekta sa kalusugan ng publiko.

Facebook Comments