Iba pang bayan sa Isabela, hinahalughog na rin ng rescuers kaugnay ng nawawalang Cessna plane

Kinumpirma ng Civil Aviation of the Philippines (CAAP) na hinahalughog na rin ng rescuers ang iba pang bayan sa Isabela kaugnay ng nawawalang Cessna plane.

Ayon sa CAAP, bukod sa Maconacon ay sentro na rin ng search and rescue operations ang bayan ng Divilacan sa Isabela.

Ang Divilacan kasi ay ang bayan na pinakamalapit sa Maconacon Airport kung saan lalapag sana ang nawawalang eroplano.


Kinumpirma rin ng CAAP na may isang magsasaka sa lugar ang nagkumpirma na may nakita siyang “aircraft in distress”.

Kinumpirma rin ng CAAP na gagamitin na rin ng drone ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para matuloy ang eksaktong kinalalagyan ng eroplano.

Facebook Comments