Iba pang health workers ng PGH, naturukan na rin ng AstraZeneca COVID vaccines

48

Naturukan na rin ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang mga health workers ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, mahigit 200 na medical frontliners na ng kanilang ospital ang naturukan ng AstraZeneca.


Kabilang sa tumanggap ng bakuna si Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun.

Bukas, ipagpapatuloy aniya nila ang pagturok ng AstraZeneca sa iba pa nilang health workers.

Kinumpirma rin ni Del Rosario na 1,773 na frontliners nila ang unang naturukan ng Sinovac vaccines noong nakalipas na linggo.

Facebook Comments