Iba pang kuha ng CCTV sa pagpatay sa isang binatilyong natutulog lamang sa kalsada sa Project 4, QC – sinusuri na ng QCPD

28

Quezon City, Philippines – Sinusuri ng Quezon City Police District ang iba pang kuha ng CCTV na makakatulong para malutas ang pagpatay sa isang 13-anyos na binatilyo na nakahiga lang sa gilid ng kalsada sa Project 4, Quezon City.

Sa video, unang naispatan ang isang SUV gamit ng suspek habang binabagtas ang ilang kalsada sa lungsod ilang minuto lang bago ginawa ng karumal-dumal na krimen.

Nabatid ilang minuto rin nagtambay ang suspek sa harap ng mahimbing na natutulog ang batang biktima.

Bumalik ito sa kanyang sasakyan at kumuha ng kutsilyo saka bumalik sa bata saka inundayan ng saksak.

Ayon kay QCPD Homicide Section, Sr/Insp. Elmer Monsalve – target nila ngayon na maplakahan ang sasakyan.

Paliwanag ng pamilya ng biktima, sumilong lamang ito sa pinangyarihan ng krimen dahil sa malakas na ulan noon.

Namomroblema ngayon ang pamilya sa pagpapalibing sa bata.

Sa mga nais tumulong ay maaring makipag-ugnayan sa barangay tagumpay ng nasabing lungsod.
DZXL558

Facebook Comments