Iba pang miyembro ng Philippine Team, tumulak na rin sa Malaysia para sa 29th SEA Games

SEA Games – Lumipad na patungong Kuala Lumpur, Malaysia ang iba pang mga miyembro ng Philippine Team para sumabak sa 29th Southeast Asian Games.

Bukas, agad na sasabak ang mga atleta sa marathon kung saan mahigpit nilang makakalaban ang Malaysia at Vietnam.

Kumpiyansa naman si Sean Guevarra, head coach ng athletics na hahakot sila ng medalya.


Karamihan sa 37 atletang bumiyahe ngayon ay galing sa region VI na pawang produkto ng Palarong Pambansa.

Ang SEA Games ay pormal na nagsimula noong August 14 at tatagal hanggang August 30.

Facebook Comments