Iba pang Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Abu Dhabi, tinutunton na rin ng Philippine Embassy

Tinutunton na rin ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ang iba pang Pilipino na nasugatan sa gas explosion sa isang restaurant doon.

Layon nito na mabigyan ng ayuda ng embahada ang mga nasugatang Pinoy.

Nakipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa pamilya ng dalawang Pinoy na namatay sa nasabing insidente.


Tiniyak ng embahada sa pamilya ng mga nasawing Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tulong na ipagkakaloob ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pinaalalahanan naman ni Philippine Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana ang mga Pinoy doon na manatiling ligtas, maging vigilant at sundin ang safety protocols ng UAE Government.

Facebook Comments