
Iginiit ni Bataan Rep. Geraldine Roman na hindi lamang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat managot sa libo-libong namatay sa ikinasa nitong war on drugs.
Ayon kay Roman, dapat habulin ng ating piskalya at kasuhan sa ating korte ang iba pang mga sakot sa madugong giyera kontra iligal na droga.
Katwrian ni Roman, bagama’t nakatuon ang International Criminal Court (ICC) sa malalaking personalidad, ay may responsibilidad din ang mga lokal na awtoridad na papanagutin ang mga low-ranking officials.
Tinukoy ni Roman na sa isinagawang imbestigasyon ng House Quad-Committee ay natuklasan ang partisipasyon ng ilang pangunahing opisyal ng pulisya.
Dagdag pa ni Roman, bilang isang sibilisadong bansa ay dapat ipakita ng Pilipinas ang pagpapahalaga nito sa hustisya at pananagutan.