Iba pang unibersidad na may kaparehong kasunduan sa University of the Philippines, tatapusin na rin ng DND

79

Iti-terminate na rin ng Department of National Defense (DND) ang iba pang kaparehong kasunduan sa University of the Philippines (UP) sa iba pang unibersidad.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na tuluyan nang kanselahin ng DND ang kasunduan nito sa UP na naglilimita sa mga sundalo’t pulis na magsagawa ng operasyon sa loob ng pamantasan.


Ayon sa kalihim, inaalam pa nila ngayon ang mga eskwelahang may kaparehong agreement at kanila itong ikakansela.

Giit pa nang kalihim, hindi na nila kailangan pa ng konsultasyon sa mga university officials sa gagawing pagkansela sa kasunduan.

Naniniwala si Lorenzana na ang kasunduan ay hindi maayos nakakatulong sa mga estudyante.

Una nang sinabi ni Lorenzana na sa paglipas ng panahon, tila naging breeding ground na ng komunismo ang itinuturing na Premier State University ng bansa at naging kanlungan na ito ng mga kalaban ng estado.




Facebook Comments