Iba pang war games ng Amerika at SoKor, suspendido na

Kinumpirma ng US Department of Defense na kinansela na rin ng Amerika ang ilan pang nakahanay na mga military exercise sa darating na mga buwan kasama na ang tropa ng South Korea.

Sabi ni US Secretary of Defense James Mattis, ang desisyon na “Indefinitely Suspend Select Exercises” ay kabilang ang gagawing freedom guardian drills sa buwan ng Agosto at ang dalawang Korean marine exchange program training exercises.

Matatandaang una nang ipinangakao ni US President Donald Trump ang pagsuspinde sa US drills kasama ang South Korea matapos ang pakikipagpulong niya kay North Korean Leader Kim Jong-un noong June 12.


Facebook Comments