IBABALIK | Higit isang milyong talent fee ni Erwan Heussaff sa ‘Buhay Carinderia’ project, handa nang isauli

95

Manila, Philippines – Kinumprima ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na handa si Erwan Heussaff na ibalik ang humigit kumulang P1 milyong talent fee niya mula sa sinuspindeng “Buhay Carinderia” project.

Ayon kay Puyat, mananatiling katuwang si Heussaff sa mga bagong kampanya ng DOT.

Handa rin aniyang makipagtulungan para sa bagong tourism campaign ang ilang taga-showbiz nang libre.

Kabilang sa mga ito sina Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Rico Blanco, at Apl.De.Ap at Up Dharma Down.

Sa tulong ng showbiz, sinabi ni Puyat na mas prayoridad niyang patingkarin lalo ang nationwide food tourism campaign na inumpisahan niya bilang undersecretary sa Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments