Ibang paraan para ilabas ang katotohanan laban kay Pangulong Duterte, ibinabala ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Bagamat inaasahan ay ikinadismaya ni Senator Antonio Trillanes IV ang pagbasura ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Dutete.

Ayon kay Trillanes, ang impeachment proceedings na sana ang daan para malantad ang katotohanan laban kay Pangulong Duterte.

Dahil dito ay nagbabala si Senador Trillanes ng ibang “mode” o paraan upang isiwalat ang katotohanan laban sa pangulo.


Hindi naman idinetalye ni Trillanes kung ano ang mode o paraan na kanyang binabanggit bastat hindi aniya ito mapipigilan kaya abangan na lamang.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments