Iba’t ibang grupo, nagsama-sama para maghain sa Korte Suprema ng isa pang petisyon kontra Anti-Terror Law

86

Nagtungo sa Supreme Court sa Padre Faura sa Ermita, Maynila ang mga miyembro ng Council for People’s Development and Governance (CPDG) kasama ang IBON Foundation, Kalikasan-PNE at iba pang mga kaalyado para maghain ng petisyon kontra Anti-Terrorism Law.

Sila ay binubuo ng mga grupo ng development and humanitarian workers, environmentalists, farm workers, agriculturists, scientists, consumers, at children’s rights advocates.

Sa kanilang petition for certiorari and prohibition, hinihiling nila sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng Status Quo Ante Order o Temporary Restraining Order laban sa Anti-Terrorism Law.

Pinadedeklara rin nila na unconstitutonal ang Republic Act no. 11479 na tinawag nilang “Anti-Tulong Law”.

Kinuwestiyon ng mga petitioner ang mga nilalaman ng batas partikular ang anilay “red-tagging”, harrassment at pang-aabuso ng pamahalaan sa civil society groups.

Respondents sa petisyon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea, Senate President Tito Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments