Iba’t Ibang Klase ng Empleyado

Isa ka bang empleyado? Alin ka sa mga sumusunod?
1. LATE COMER Ito yung empleyado na lagi na lang late dumating sa office.
2. SHORTAGE Ito yung laging kulang ang budget kaya uutang na naman sa katrabaho nila.
3. ABANGERS Kakasahod pa lang, nag-aabang na agad siya ng sahod ng susunod na cut-off.
4. P.I.O. Ang mga public information officer aka ang mga “chismoso/chismosa” sa office. Alam niya lahat ang chika at latest news ng mga katrabaho niya maging sa boss nila.
5. PARANG NASA BAHAY LANG Ito yung empleyado na parang hindi empleyado dahil pumapasok lang na naka-tsinelas o naka-short. Hindi siguro siya nakapaglaba ng uniform.
6. INSTANT PASYENTE Lagi na lang may sakit kahit kaka-sick leave lang nung nakaraang araw. Masama na naman daw ang pakiramdam niya kaya magfa-file ng leave.
7. PAKUNWARI Maraming ganitong empleyado. Kunwari maraming ginagawa para ma-impress si boss. Pero kung tutuusin, pasimple lang naman na nanonood ng video sa Youtube o nagi-scroll sa Facebook.
8. TANDERS Sila yung mga ugat na ng kumpanya. Nasobrahan sa pagka-loyal.

Facebook Comments