Iba’t ibang pakulo para mahikayat ang publiko na magpabakuna, suportado ng mga senador

29

Suportado nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson ang iba’t ibang pakulo ng Local Government Units (LGUs) para mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Mainam para kay SP Sotto na hayaan lang ang mga gumagawa ng iba’t ibang paraan ng pag-imbita sa mamamayan para magpabakuna.


Mahusay naman para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ang anumang legal na hakbang ng national at local government maging ng pribadong sektor para maengganyo ang mga Pilipino na magpabakuna.

Sabi ni Lacson, ito ay para makamit natin ang herd immunity laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Diin ni Lacson, kapag nangyari ito ay hindi lang ang kalusugan ng taumbayan ang mapoproteksyunan kundi mapapasigla rin ang ating ekonomiya na daan sa pagbalik sa normal ng ating mga buhay.

Facebook Comments