IBA’T-IBANG URI NG BINHI NG PUNO, ITINANIM SA DUMPSITE SA BONUAN, DAGUPAN CITY

Inilunsad ang ‘Puno ng Kinabukasan’, isang Tree Planting Program ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ng CENRO Dagupan at ilang organisasyon bilang hakbang pangkalikasan.

Sa nalinisang bahagi ng dumpsite sa Bonuan Tondaligan itinanim ang iba’t-ibang uri ng binhi ng puno tulad ng Acasia, Bayok, Ipil at iba pa.

Inaasahang maitatanim ang nasa dalawang libong puno na makatutulong upang patuloy na maprotektahan ang kalikasan na bebenipisyo sa mga residente.

Samantala, pansamantalang nakasara ang dumpsite para sa rehabilitasyon nito upang tuluyan na itong maipasara. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments